Thursday, December 07, 2006

Ang BASTUSANG PAMBANSA : The House of Reprehensibles



Congressman Luis Villafuerte:
"NO TERM LIMITS in the Parliamentary System"

JDV or GMA, and their minions,
for life?


WE'RE F*CKED.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Hi Spanky, ang pangit yata ng gising ko. Totoo ba itong poste mo tungkol sa no term limits in the parliamentary system ayon kay Rep. Villafuerte? Nagdiriwang lang tayo sa pagka panalo ni Nicole sa rape case, ito namang nasa bastusang pambansa, pinagtutulungang i-rape ang ating saligang batas. Biglang tumaas ang aking high blood. Parang gusto ko nang maging human bomber para makatikim itong mga tinamaan nang magaling na ito. Ka Roger, huwag lang press release.

Oragon talaga ang mga bata ni GMA lalo na si Rep. V. ng Camsur. Hayun at hindi pa nakakahulagpos sa kalunos-lunos na sinapit ang mga kabayan niyang Bikolano gawa ni Reming Durian, ano ba itong may masangsang na amoy ang ibig nilang pasingawin? Sa gitna ng state of calamity, inaabot sila nang magdamag sa kamara, hindi upang humanap ng lunas sa problema ng bayan kundi nagtatampisaw na agad sa kaligayahan. No term limits in the parliamentary system? Ang pasensiya kaya ng tao, no limit?

Pero maiba ako Spanky, pansinin mo itong nasa picture.Nakapatong ang kamay ni JDV sa kamay ni GMA. Parang sweet nila, no? Kung aking nanamnamin, ganito ang kanilang daya-logo:

JDV: Gloria, ayos na ang buto-buto. Nai-kasa na sa mga cha-cha dancers ang SARO para sa kanilang pork barrel at yong medyo nagpapakipot na congressman, nagkaroon na ng cash-unduan. Basta umangan mo ng pera ang mga yan, mabilis pa sa alas kwatro. Alisto rin yang si Mikey mo, nagpa-cater pa, sugod ang mga alipores natin, mga gutom talaga. Nasunod rin ang ating con-ass at maniwala ka, in 15 days, mayroon na tayong bagong konstitusyon. Hold-over lahat na nakaupo until 2010 except mga senador. NOEL! Hindi pasko kundi no election. Tanggal ang senado, wala namang pinagagawa ang mga yan. Hindi ka na kakabahan na ma-impeach next year. No term limits, sky is the limit. Tayo na ang maghahari hanggang magunaw ang mundo!

GMA: Joe, I love you for that. Eh ano ba’tong intriga ni Nograles, pag naging Prime Minister ka, ceremonial president na lang ang papel ko. Di uubra yon, ha? Ano ka, sinuswerte. Oy, teka, alisin mo kamay mo dyaan. Makita ka ni Na…ni Mikey, ayun o nakatingin dito, Sobra kasing lapit mo sa akin.

JDV: Ito naman si Gloria. Kung hindi kita ginawang vice-president candidate noon, di alaws ka ngayon. Sa totoo lang, kaya ka lang nanalo, dahil Macapagal at hindi Arroyo ang ginamit mo. Tapos, nag Nora Aunor look alike ka. Itong pagiging Prime Minister ang matagal ko nang ambiyson. Eh kung pumapalag ka, huwag ko nang ituloy ito?

GMA: Grabe ka naman, di ka na mabiro. Bweno, everything went well as planned. Kahit maghabol pa sila sa tambol mayor. Si Puno na ang punong mahistrado. Andyan na si Puno sa DILG. Punong puno na ako ng ka-KAMPI. Si Dong Puno, gawin nating spokesman. Si Rico Puno? Cho-cho yan kay Rambotito. Sya, sige. (the celphone rings). Hello!? Hello! Gar..garantisado na ang con-ass ayon kay JDV. Bye..

December 7, 2006 at 7:29 AM  
Blogger spanx said...

yup!

Louie V. was being interpellated by Chiz E. when he let the "no term limits" cat out of the bag!

and thanks for the great story behind the picture!!!

December 7, 2006 at 9:59 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ty din Spanky for allowing me to post here. Just cautioned me kung over the limit na my postings.

Isusunod ko sanang popormahan ng kwento ang sanamagan pose ni Zsazsa ni Pidol, pero nanigas na. Nanigas talaga ang aking fingers pagta-type ng interpretation ko sa pic ni JDV & GMA. At tuluyan nang tumigas ang aking resolve to join any rally to denounce the sanamagans sa bastusang pambansa.

December 7, 2006 at 12:06 PM  
Anonymous Anonymous said...

Guys! Ang lagay magpoposte lang tayo rito?

Let's join the rally to denounce what they did sa Bastusang Pambansa! Let's bring down the House of Reprehinsibles but in a peaceful manner!

December 8, 2006 at 6:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

Spanky, ano itits, atras na raw ang CON-ASS? Urong pala ang mga yagbols ng cha-cha dancers sa Bastusang Pambansa. Ang chief DI na si JDV, nag Laban O Bawi, matapos matakot si GMA na pati INC, ayaw na sa beauty niya! Dami ko pa namang nagawang placards: HUBARAN ang RAPISTS! (Ipakagat sa langgam ang..).

Pero mayroon 14 tongresista from Metro Manila, nagpalabas ng statement, ayaw raw nila ipagpaliban ang May 7 elections pero suportado nila ang CON-ASS. Nagkukunyari lang ang mga kumag na ito. Siempre, nasa Metro Manila sila, ang sentro ng mga protesta. Bawat kilos at galaw nila, nakatingin ang madlang pipol.

Pa-gimik pa si Dodot. You put a dot in your career, pre. Mabango ka pa naman for Mayor sa Pasig noon, pero ngayon, nag biglang liko ang takbo ng pangyayari. Wala na. It’s simply like father, like sonny, I mean son.

At papaano ang tinanggap nitong 14 tongresista na early gifts of love from GMA? Sa mga taga distrito nila, hingi na kayo ng pamasko. Huwag ninyong tantanan! Milyones ang datung nila galing kay GMA. Dami talaga sariling pera ni 'te Glo. Hindi pera ng bayan yan oy, itanong nyo pa kay FG.

Sige, work muna ako.Malapit lang sa Bastusang Pambansa.

December 9, 2006 at 6:03 AM  

Post a Comment

<< Home

Manila Boy's readers are from:
Visitor Map
Create your own visitor map!